top of page

Tunay na Pag-ibig . . .

  • Writer: Araceli de Mesa
    Araceli de Mesa
  • Nov 27, 2016
  • 1 min read

Minsan sa buhay iyong napagtanto

Saan nga bang direksyon ikaw patutungo?

Umaasa sa mga bagay na mapapasayo

Ngunit puno ng takot at pagkalito

Hanggang kailan nga ba ikaw maghihintay?

Kung ang desisyon mo ay palaging sablay

Panalangin sa Maykapal na Kanyang ibibigay

Tapat na pag-ibig naway may mag-alay

Kasabay nang pag-ngiti mo sa tula kong ito

Ay mga luhang pinipilit kong maitago

Umaasang bukas unti-unting magbago

Magkaron ng liwanag ang pinili kong mundo

Pagkadakay dumating ang araw

At nagkaroon ng pagkalinaw

Matigas na pusong unti-unting natutunaw

Sa kabila ng kadiliman,liwanag ay natatanaw

Mula nang maranasan ko ang pag-ibig ng Diyos

Natutunan kong umibig ng tunay at lubos

Sa kanyang pagmamahal na di nauubos

Dahil ang biyaya Nya'y di kinakapos

Ibukas ang iyong mga mata

Sa mga taong kinapos ng pag-asa

Huwag sayangin ang pagkakataon

Hindi ka pababayaan ng ating Panginoon

Kayat di ka dapat sumuko

Hindi dahil sa sinabi nya o sinabi ko

Kundi dahil sa Diyos na hindi sumuko para sa yo

Hindi ka nag-iisa, may Diyos kang laging kasama

Kaya't simulang ihakbang ang iyong mga paa

Wala nang takot at pangamba

Dahil ang Tunay na Pag-ibig,sa Kanya lamang madarama


 
 
 

Comments


Featued Posts 
Recent Posts 
Find Me On
  • Facebook Long Shadow
  • Twitter Long Shadow
  • YouTube Long Shadow
  • Instagram Long Shadow
Other Favotite PR Blogs
Serach By Tags

© 2023 by Make Some Noise. Proudly created with Wix.com

  • Instagram Clean Grey
  • Twitter Clean Grey
  • YouTube Clean Grey
  • Facebook Clean Grey
bottom of page