Narito Ako
- Araceli de Mesa
- Nov 27, 2016
- 1 min read
Maaaring ikaw ay nagtataka
Sa mga bagay na di maipaliwanag ng iyong mga mata
Ngunit wala kang dapat ikabahala
Kung sa Diyos ika'y lubos na nagtitiwala
Di ko rin sukat akalain
Na diringgin ang aking panalangin
Di kayang sukatin o kayang isipin
Pagmamahal Niya'y di ko na kayang ilihim
Sa bawat pintig ng puso ko
Naririnig ko ang mga katagang ito,"Narito ako"
"Mahal kita" sa kabila ng iyong paglayo
Pakatandaan na ang pag-ibig ko'y di maglalaho
Kumakatok ako at nag-iintay na iyong pagbuksan
Nang makita mo ang daan tungo sa kapayapaan
Ang pag-ibig koy di kayang bayaran
Ng ginto at pilak o anumang kayamanan
Iyong pakinggan ang Aking tinig
Mga Salita Koy tila musika na iyong maririnig
Makita kang puno ng Aking pag-ibig
Nalulugod ang puso Kong patuloy na umiibig
Comments